what they say about us...

"Nakatulong ang San Jose Koop sa pagkakaroon ng capital sa paghahayupan at natutunan ang kahalagahan ng pag-iimpok. Napag-aral ko ang aking mga anak at nagkaroon ng kaunting ipon."
Maximo O. Herrera
Farming
"Napakalaki ng naitulong ng Koop sa aming kabuhayan sapagkat nakakahiram kami ng pandagdag puhunan sa maliit na interes na kayang-kaya naming mabayaran. Natuto kaming i-manage ang aming pera pati sa pagba-budget nito kung saan ay nakapag-pundar kami ng truck, lupa at marami pang iba dahil sa maluwag na sistema ng Koop."

Juliet C. Bartolome
Junkshop Owner
"Nakatulong ang koop sa aking pinansyal na pangangailangan sa aking negosyo at nagiging karagdagan ito para sa aking mga branch at naging maluwag sa iba naming gastusin."
Ronaldo P. Borbon
Retail Drugstore Proprietor
"Awa ng Dioys, napakaraming beses na sa gitna ng pangangailangan naming lahat ay wala kaming ibang nilalapitan at pinagkakatiwalaang makatulong sa amin kundi ang San Jose Koop. Awa ng Diyos, napatapos namin lahat ang mga anak namin ng walang problema. Masasabi ko na sobra sobra ang pagtanaw namin ng utang na loon sa Koop naming ito."
Lydia P. Agustin
Retired Government Employee
"Malaki ang naitulong sa akin ng Koop dahil dito kami kumuha ng pantustos sa aming kabuhayan. Sa ngayon ay nagkaroon na kami ng sariling sasakyan mula ng kami ay naging miyembro dito."
Genara U. Bantilan
Backyard Piggery Owner
"Sa pamamagitan ng puhunan na pinahiram ng Koop sa amin, kami ay nagtayo ng sari-sari store. Malaki po ang pagbabago dahil sa nahiram na pera. Ito ay nakatulong ng malaki sa amin at nagkaroon ng madaming laman ang tindahan namin."



Marissa Gilda D. Recto
Private Tutor/Small Entrepreneur

Copyright 2018 - San Jose Koop

Copyright 2018 - San Jose Koop

Close Menu